Latest News

PUMA, pakner ng VisMin Cup

PAKNER! Bahagi ang PUMA bilang pakner ng ilulunsad na Pilipinas VisMin Cup – ang kauna-unahang pro basketball league sa South – matapos selyuhan ang tambalan nina Mike Aldover (kanan), PUMA Philippines Senior Manager at Vismin Cup Chief Operating Officer Mr. Rocky Chan. Kabuuang 12 koponan na hahatiin sa Visayas at Mindanao Division ang kompirmadong lalahok sa liga na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB). Nakatakdang magbukas ang Pilipinas VisMin Cup sa bayan ng Alcantara sa lalawigan ng Cebu sa Abril 9. Napili ang lugar bunsod nang pagkakaroon ng zero case ng Coronavirus (COVID-19).

Source: Balita Online

Leave a Reply