Latest News

KCS Mandaue City Sasabak Sa Pilipinas VisMin Super Cup

Pormal na ipinakilala ang KCS Mandaue City bilang pinakabagong kalahok ng Pilipinas VisMin Super Cup, ang una at natatanging ligang propesyonal ng Basketball na katimugang bahagi ng bansa. Hahawakan ang Megabytes ni Coach Mike Reyes at bubuuin ng mga bituin ng kolehiyo at ilang mga subok na beterano.

Una sa listahan ang 2019 Cebu Schools Athletic Foundation (CeSAFI) Most Valuable Player Sir Shaquille Imperial ng Southwestern University-Phinma. Nagsama sina Imperial at Coach Reyes para ihatid sa Cobras ang huling kampeonato ng CeSAFI noong 2019 bago ipinagpaliban ang buong liga noong Mayo.

Ang iba pang mga ipinakilala na manlalaro ay karamihan mga kasalukuyan at dating Cobra tulad nina Allyn Dyll Roncal, Joseph Airo Nalos at Bernie Bregondo kasama sina Alfred Ryan Batino ng Centro Escolar University at Steve Castro, ang MVP ng nakaraang Cebu City Mayor’s Cup. Inaasahan na mabubuo ang listahan bago ang tinatayang pagbukas ng liga sa Abril 9, 2021.

Nagbanggit din si Coach Reyes ng ilang mga pangalan na nais kunin ng KCS sa pangunguna ni dating CeSAFI MVP Enrico John Llanto ng University of San Carlos. Ang iba pa ay sina Zachary Huang, Rhaffy Octobre, Josue Segumpan, Monic Soliva, Francis Luigi Bercede, Phil Mercader, Gileant Delator, Junel Tansio at Vincent Minguito.

Pinili ko magtayo ng koponan upang makilala ang aking maliit na negosyo,” paliwanag ni Ricky Verdida ng Kiboy’s Computer Solutions na itinalaga si Retchie Cesa bilang team manager. “Imbes na magbayad para sa mga ads, Basketball ang aking libangan at kaibigan ko ang mga player.”

Maliban sa KCS, pasok na ang ARQ Builders Lapu-Lapu Heroes, Zamboanga Valientes MLV, Pagadian Explorers at mga kinatawan ng mga bayan ng Sindangan at President Manuel A. Roxas sa Zamboanga del Norte. Isa pang koponan, ang MJAS Zenith na pumumunuan nina Patrick Jan Cabahug at Paolo Hubalde, ay tanggap na subalit naghahanap ng kakatawaning lugar.

 

Source: Bulgar Online

Leave a Reply